adi.

everybody's free to wear sunscreen - Baz Luhrmann

Saturday, October 09, 2004

Lumilindol

Busy ako sa school at puro long tests at orals pa ako, kung kaya’t aaliwin ko na lang kayo sa mga dati kong karanasan.

Take note.. matagal nang nangyari ang mga ito..

----
Nag away kami ng parents ko tungkol sa computer literacy. Naalala ko tuloy ang palagi nilang sinasabi noong 12 - 15 years old pa lamang ako.

”Iniwan mo na naman ang diskette sa study table. MAGKAKA VIRUS YAN!”

HAYUP!
---
Sobrang inaantok ako sa recollection namin. Buti na lamang sinabe nung pari na magdasal kami at kailangan nakasarado ang mata. Masaya pa dito, dagdag niya ay "do this for 10 MINUTES".

Tsk tsk. Masama akong bata.
---
May hawak ako na mga papel bago nakatulog nang nakasandal sa armchair ko. Paggising ko lumilipad na pala iyong mga papel ko sa loob ng classroom and to think nung tinanong ko iyong teacher ko kaagad para magmukhang nag-pa participate ako…

Ako: Ma’m may quiz bukas?
TEACHER: Aba Oo, natutulog ka eh.


######
Ayan na muna... Mag-aaral pa ako sa Philo101 Orals ko kay Ginoong PJ Strebel. Gusto kong umabot sa puntong ang ending statement ko sa thesis ay "HALUS GANITO".

Sana lang ay hindi ako ma- mental block tulad ng dati....